Unaware and Unappreciated
- Hera Helene' Macalalad
- Nov 6, 2021
- 5 min read
May mga hindi tayo alam na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos
Nagising ako past 11am on a Saturday. Nagmadali akong tumayo at may mga inasikaso kasama na ang morning routine ko (Prayer time/Reading the Bible). Biglang nag-call ang aking leader;
"Hi anak! Nako, tanghali na ito nagising" Napatawa ako ng saglit dahil talagang guilty ako.
"Yung pinag-usapan natin ha? Bago tayo pumunta ng bible study at 5pm, i-discuss natin iyon sa office. Iwan mo na yung car mo sa inyo. Ginagawa kasi ang daan sa harapan. Hindi makakapag park ang iyong kotse. Sabay sabay nalang tayo pumunta sa church sakay sa kotse ni tito (Her husband) mo"

"Okay po, mom"
Pagkatapos ng call ay halos hindi na ako mapakali dahil sa dami ng dapat gawin. May mga taong imemeet, iaabot at kukuhanin. As someone na mahilig mag-drive, madami nang lugar ang aking inikot to do some of my tasks.
Fast forward at pumunta na kami sa lugar kung saan itatayo ang aming bagong church establishment. Sisimulan pa lang ang paggawa nito after 2 days. Nakatambak pa ang mga concrete hollow blocks at ilang mga mahahaba na hindi ko alam ang tawag. Kumbaga yung usual items for building ang nandoon- kasama ang tent sa loob kung saan idadaos ang bible study.
Tawanan at halakhakan ang mga nadidinig pagkatapos ng bible study. Dahil may mga nagbirthday, may kaunting salu-salo. Sinong naka tatlong round? Siyempre ;) Isama pa ang kanta ni Sharon na, "Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal"
Nakikiramdam ako kung anong dapat gawin o itulong sa paglilinis. Kinuha ko ang isang plastic chair na dapat kong iii-stack sa mga upuang patung-patong na.
"Nako, hindi yan dapat diyan. Ibang klaseng upuan iyan" at napansin ko ngang iba ang bilang ng butas ng upuan na hawak ko sa mga naka-stack na.

Hindi ako sanay magdala ng isang upuan lang. Gusto ko yung madamihan agad para sulit ang pagtulong. Hahaha. Kaya ang nag-iisang upuan na ito ay dala dala ko palabas kahit na may kaunting hiya. Pagkalagpas ko sa gate na maliit,
"Oyyyyy!"
Namalayan ko nalang na halos kabeywang ko na ang lupa at hila-hila na ako pataas ng isang ka-church namin. Ang kanan kong binti ay alam kong nakalubog habang hindi ko na malay ang kaliwa kung nakatung-tong pa ba sa lupa o kasama sa paglubog. Hindi ko na naisip na may hawak akong upuan o balot ni Sharon Cuneta. Ang alam ko lang, halo-halo ang naramdaman ko. Natatawa dahil nakakahiya, medyo naiiyak ng konti dahil sa sinapit ko at tulala dahil ang bilis ng mga pangyayari.
Agad akong nilapitan ng ilang babaeng leaders, kasama na ang leader ko, at chineck ang buo kong katawan. My leader was so concerned, lalo na sa pag-check ng likod ko. Then I knew why noong tiningnan ko ang butas na hinulugan ko; May dalawang patusok na bakal sa loob. It was facing horizontally at maaari na matusok ako doon sa pagbagsak ko, ngunit hindi.
Hindi ko din naramdaman na basa na pala ang right foot ko. Ramdam ko agad kapag basa ito habang suot-suot ang work-out shoes, ngunit pagtingin ko dito habang sinasabi ko kung aling paa ang lumubog, basa at putik na putik ito. Fast forward ulit, nasa loob na ako ng sasakyan at ihahatid na ako pauwi. Hinding hindi ko makakalimutan ang kwentuhan at usapan sa kotse. My leader, her husband and another leader. Kaming apat sa loob. "Grabe si Lord. Look at her, walang masiyadong nangyari sa kaniya." "Kita niyo yung patusok na naandoon? Grabe. God is so good"
"Madami kasi ang kinain ni Hera kaya hindi nakayanan ng mga anghel. Hahaha" "Baka yung angels na assigned kay Hera, kumakain pa yung iba. Nako, lagot ang mga iyon" "Eh buti nalang busog na yung isa. Nasagip pa"

Sa umpisa nang pag-uusap nila, naiintindihan ko lahat kahit na medyo napapatulala pa ako. Tumatawa ako with them kahit na may part sa utak ko that is leading me to just stare at a certain spot. Tuwang tuwa ako sa pakikinig sa kanila. I am really blessed with the spiritual family I am with. A certain tragic scenario, they turned into praising? Tapos mas na-amplify pa ang kabutihan ng Lord instead of the pain sa nangyari. Inaamin ko, may part pa sa utak kong lutang pa, pero habang ang puso ko ay touched na touched sa concern nila at pagkukuwentuhan about God's protection and faithfulness, biglang nagising ang utak ko when my leader said this, "Buti nalang kasabay ka namin. Buti nalang hindi mo dala ang car mo, kundi..." Yup. Kung hindi, delikado ako sa pagda-drive after what has happened. "The Lord really knows. Alam Niya agad, kaya sa amin ka pinasabay. May reason lahat" Then it hit me. Gosh. Kanina pa akong lutang at sila, nagpepraise kay Lord. Though I was agreeing with them, but my mind was foggy pa siguro dahil hindi agad maka-get over sa pagkakahulog. Pero about the things that they had been talking about? It really hit me and shook my spirit to wake up. Grabe, simula pa pala ng araw na iyon, God had already planned everything. He knows na may pagka-clumsy ako. He knows na lutang ako at times. He knows yung pagod ko. He knows what was going to happen. I saw His preparation and protection until the end of the day. Grabe (Sorry, ang dami nang grabe, pero grabe talaga).

May mga bagay tayong na-neneglect, hindi napapansin o nakakalimutan of what God has been doing for us 24/7. We know He protects. We know He loves us. We know He provides. But the thing na nakakalimutan ng iba? Yung walang nangyayari sa ating masama (Kaya it felt like an ordinary day) o kaya ay nakaka-survive tayo sa pang-araw araw dahil sa Kaniyang grace na nakabantay sa atin all the time. Though this thought is common, but it felt like a fresh revelation to me after ng nangyari.
I was still puzzled kung papaanong hindi tumusok yung dalawang bakal sa likod at side ko. Alam niyo yung words na, "Daplis na"? Parang ganoon. I think hindi ko dapat malalaman yung protection ni Lord sa part na yun, but He made it known for me to realize a vast. And the chair? It played a big role kaya iisa lang. Paano kung stack of chairs ang dala ko?
Kaya I thought... Maraming beses na pala Niya akong sinagip. Maraming beses na pala Niya akong pinaglaban. Maraming beses na pala Niya akong iniligtas. Hindi ko lang nakikita. Hindi ko lang ramdam. Hindi ko lang napapansin. Pero ang totoo? Nasa tabi lang natin Siya lagi; Always in action. We thought our day is just ordinary, pero God has been moving na for our sake.

Kaya... Instead of complaining and thinking that God is not working in and with us? Let's embrace the fact na...
May mga hindi tayo alam na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos
Just like in the song Way Maker,
Even when I don't see it, You're working
Even when I don't feel it, You're working
You never stop, You never stop working



Comments