top of page
Search

Ang Kasoy

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • Nov 13, 2025
  • 3 min read

Ang Kasoy, Bow 🤣


Binuksan ko ang bank app ko para magbayad ng bill sa kuryente, pero biglang lumabas: “Your bill is overdue, please pay at the site.” Ay? Overdue na ba? Kailangan kong maglaan ng oras para mag-drive at pumunta sa site. Kahit kaunting pagsiit ng gagawin ay ang hirap—dahil sa dami ng inaasikaso at ginagawa ko.


At dahil Huwebes ay may appointment ako sa labas, isinabay ko na ang pagbabayad ng kuryente sa araw ding iyon. Right after the appointment, nag-withdraw na ako at dumiretso sa site. Pagdating ko, grabe ang init! Buti na lang at maayos ang lamig ng aircon sa kotse. Pagpunta sa site, agad akong nagbayad. Pagkatapos, nagpasalamat ako sa guard sa pagbukas niya ng pinto, ngunit iba ang nadinig ko sa kaniya: “kasoyabilinakayo.” Nagulat ako ng kaunti—akala ko may chinachanting siya o ibang dialect ang binanggit niya sa “You’re welcome.” Baka may sariling version? Muntik na ako mag-cast out, in Jesus’ name! 🤣


Nakaka-ilang hakbang pa lang ako, tsaka na-process ng utak ko yung sinabi niya. “Aaaaaaah! May mga paninda pala siya dito sa tabi habang nagbabantay.” Paglingon ko, parang lumiwanag sa paningin ko ang kasoy na nasa brown na casing. Kitang-kita ang kahalo nitong asin at mapula-pulang substance—spicy kasi. Nakakatakam.


“Kuya, magkano dito?”

“150 po, ma’am.”

“Sige kuya, isa po.”

“Yung spicy po ba?”


“Ito kuya,” sabay turo sa kung alin ang mismong gusto ko noong unang kita ko pa lang.


Natapos ang transaksyon at agad akong nagpasalamat. Para akong batang masayang naglalakad papunta sa sasakyan. Habang naglalakad, may mga bulong at salita sa isip ko: “Grabe, ang mahal naman. Dapat tinawaran mo.” o “75 or 85 lang ‘yan, ang kita niya malaki.” Ngunit agad itong dinismiss ng aking isip: “Minsan lang naman ito, at dahil bine-bless ako ni Lord financially, hindi ako dapat magdamot o baratin si kuya. Tingin ko ay kailangan niya pa ng extra income, kaya naghahanap-buhay siya sa maayos na paraan. Kaya hayaena, okay na ito.”


Hindi na ako masyadong naghintay—nagmadali akong pumasok sa kotse at binuksan ang lagayan ng kasoy. At dahil hindi pa ako nakakapag-almusal ng oras na iyon, doble ang pagkasabik kong matikman ito. Paborito ko rin kasi ito simula pagkabata.


Ninanamnam at nginunguya ko nang mabuti ang kasoy at mga lahok nito—ang aroma at texture sa pagdampi nito sa dila ko. Grabe, ang tagal na simula noong nakakain ako ulit nito. Ngunit habang chine-cherish ko ang bawat sandali ng pagkain, nagkaroon ako ng mahabang flashback:


“Meh, gusto ko noon!” Hila-hila ko ang nanay ko at itinuturo ang tinda ng isang matanda.

“Ano nanaman ba, nagtitipid tayo. Alin ba?” Itinuro ko ang panindang pagkain.

“Magkano po dito?” tanong ng nanay ko sa nagtitinda.

“90php po.”

“Ay! Ang mahal. Sa sunod na lang.”


Nag-flashback din ako sa time na naglalakad kami ng tita ko (sa father side) sa bukid, nangunguha ng mga nahulog na prutas na pinagmumulan ng kasoy—para kainin habang nagbabakasyon ako sa lugar kung saan lumaki ang tatay ko. Tuwang-tuwa ako tuwing may nahahanap ako, tapos agad ko itong inilalagay sa supot.


At pagbalik sa realidad—bumilis ang pagsubo ko ng kasoy at nakaramdam ako na parang nangingiyak. Dahil fast forward, ito na: naka-upo ako sa sarili kong sasakyan, malakas ang aircon sa ilalim ng init ng araw. May sarili na akong trabaho. Tumaas man ang presyo ng kasoy, nabili ko ito sa presyong paniguradong ibubuntong-hininga ng nanay ko noon.

Ninanamnam ko ang bawat sandali at ipinagpapasalamat sa Diyos ang kung anong mayroon ako—at kung ano na ang buhay ko ngayon.



 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page