top of page
Search

Sana Hindi Back to Normal

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • Apr 26, 2020
  • 3 min read

Habang tinitingnan ko ang mga posts sa Facebook, nagkalat ang mga balita tungkol sa COVID-19 - madami na ang mga namatay, nagkasakit, pamilyang naapektuhan at mga empleyadong nawalan ng trabaho. Kaya naman, napag-desisyunan dito sa Pilipinas na magkaroon ng lockdown.

(CORONAVIRUS SCARE. Students wearing face masks walk along Padre Faura Street in Manila on March 9, 2020. Photo by Jire Carreon/Rappler)


Nagkalat din ang mga tweets na bumabatikos sa gobyerno, kasama na ang mga kilalang personalidad. Tunay nga naman na may gawin ka mang mabuti o masama, may masasabi at masasabi pa din ang mga tao. Whatever a person's decision may be, kahit na iniisip nito na para sa ikabubuti ng lahat, may mga tao pa din na against.


Madami din ang pasaway during lockdown. May napanuod akong isang video galing sa Facebook page ng Inquirer.net na nag-bigay sa akin ng magkahalong pakiramdam na naaawa at natatawa. Ang mga nahuling ECQ violators sa Parañaque City ay pinag-buhat ng kabaong at pinag-lakad around sa isang village habang may tarpaulin na ang nakasulat ay, "Stay Home, Save Lives". Kasabay nito ang pag-tunog ng coffin dance music na ginagamit sa mga memes, na sa tuwing may ganap na maaaring ikamatay ng subject sa video ay biglang lalabas ang mga tila afro-american na may buhat buhat na kabaong kasabay ang music na aking binanggit. Mayroon din na umiikot sa Social Media regarding sa babaeng ginamit ang perang ibinigay ng gobyerno para ipang-rebond.


Sa ganap ngayon, madalas na pag-rereklamo at pagkabalisa ang namamayani sa bawat isa. Hinding hindi din mawawala ang takot. Madalas ay nakikita ng iba ang masamang epekto ng lockdown kaysa sa mabuting dulot nito. Why not see the brighter side?

(Taken by Manuelito Zape Bajao from a building in Pasay City)


Ayon sa MSN, isang news website na pagmamay-ari ni Microsoft, "Manila Bay in the Philippines has returned to a natural state of turquoise after the COVID-19 lockdown as reduced human interaction with the area." - hindi ba't nakakatuwa pagmasdan na nagkakaroon ng self-healing ang mundong ito?


May mga tao na natutong nang mag-ipon at mag-build up ng disiplina. Mas napapahalagahan ang hygiene at nagiging close ang family members, na ang dahilan dati kaya hindi maka-connect or hindi makapag-bonding sa kanila ay, "May gagawin kami sa school" or "May trabaho ako".

Higit sa lahat, ang mga lumayo, napalayo at malayo na sa una pa lang - ay lumalapit na ngayon sa Panginoon. They are acknowledging the sovereignity and power of God na Siya lamang ang tunay na makakapagligtas at may hawak hindi lamang ng mundong ito, kundi ang buhay ng bawat isa. Sa gitna ng pandemic na ito, mas nagkaroon ng pagkakataon to spend more time with the Lord. Mas naii-stretch ang faith at na-tetest ang faithfulness.


Ang sinasambit ng karamihan ay

sana mag-back to normal na ang lahat.

Ito ang phrase na madalas kong nababasa sa social media, napapakinggan sa tuwing may pinapanuod online o kapag may kausap sa phone. Talaga bang gusto mong mag-back to normal na ang lahat?


"Oo naman, para makapag-trabaho na at magawa na namin ang gusto namin"


Naiintindihan ko - normal na buhay. Normal na nakakapag-aral, nakakapag-trabaho, nakakapag tipon-tipon, etc. Pero may ibang normal na sa tao na hindi nakakabuti para sa atin, na kahit hindi pa nagkakaroon ng lockdown ay sadiyang laganap na.


Ang normal na magtapon lang sa tabi

Ang normal na pagkakaroon ng rebellious heart

Ang normal na magpa-petiks petiks nalang sa buhay

Ang normal na mag-complain

Ang normal na pagsuway sa simpleng utos

Ang normal na ignorant sa paligid


Need I say more? Sabi nga sa 1 Corinthians 10:23,


You say, "I am allowed to do anything"—but not everything is good for you. You say, "I am allowed to do anything"—but not everything is beneficial.

In a democratic country, we are blessed na hindi tayo masiyadong pinaghihigpitan, unlike sa ibang mga bansa na kamatayan ang katapat sa kaunting pagkakamali. But remember, not everything we do can help. Hindi lahat makakapag-bigay ng solusyon sa problema na hinaharap natin ngayon. Think of it... Hahayaan nalang ba natin na ganito ang ating bansa? Uulitin ko, tunay bang gusto mong bumalik sa normal ang lahat?


Seeing this lockdown, nakita kong mas madaming mabuti ang naidulot nito, hindi lamang sa pagbibigayan sa bawat isa, but as well as building up the character and faith individually. I hope once na ma-lift ang lockdown, magkaroon ng pagbabago from the normal.


Sana after lockdown, magkaroon tayo ng pag-iisip to think of reconciliation instead of division, building up unity. Puso na mayroong love, mercy and empathy. Bibig na walang ibang laman kundi punong-puno ng saya at pasasalamat sa Panginoon. Buhay na obedient, disiplinado at responsable.

Sana after ng lockdown, hindi back to normal, kundi total transformation and betterment ng bawat indibidwal.


Declaring Ezekiel 36:26 over the nation.

References:

 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page