top of page
Search

My Experience on National TV (Before and During | Part 1)

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • Oct 28, 2020
  • 10 min read


(Note: Most of my readers are Filipino, that is why this entry is in Taglish. You may request for a translation (Pure English) by commenting below or messaging me on my Facebook page. Thank you!) | Watch my Vlog on my channel by clicking here.

Hanggang ngayon ay hindi pa din mag-sink in sa aking puso at isip na nakarating ako ng ganitong kalayo. Paanong malayo? Sa lugar ba na dahil tega Batangas ako at nakatungtong ako sa Manila? Dahil ba sa ilang araw na naka-check in ako sa hotel na walang labasan? O kaya nama'y dahil ba for the first time in my youth, lalabas na ako on National TV? Pwede. Pwede. Pasok naman ang mga katanungang ito, ngunit masasabi kong malayo na ang aking narating dahil madami na akong pinagdaanang mga karanasan- kasama na ang kabiguan, rejections, paulit-ulit na auditions, depression, and even victories, pag-talon sa tuwa at molding o paghubog sa akin ng Panginoon na talagang madaming pagbabago sa aking character o pag-uugali. Then finally, ito na... The perfect time na isinalang Niya ako sa lugar na ito.


Tandang tanda ko pa ang mga salita na madalas na binibitawan sa akin ng aking mga kaibigan, classmates and even kabarkada ng aking mga magulang o family.


"Hera, mag-audition ka sa ganito..."

"Hera, mas magaling ka pa sa mga sumalang doon eh. Sumali ka"

"Hera, kailan ang labas mo sa TV?"

"May audition daw sa ano, kailan ka mag-auaudition?"

"Sabihin mo kay lolo mo, may pa-audition sa channel na 'to"

Madami pa ang kanilang mga sinasabi mapa-verbal o social media. I am overwhelmed and touched sa support nila. They wanted to see me on TV someday. Noong umpisa, I was really excited to tell them that I already auditioned, or kung hindi pa– sinasabi kong mag-aaudition ako, medyo busy lang sa school or work (Opo, simula pa noong nag-aaral ako hanggang sa nagkatrabaho ay magkabilaan ang kanilang pagtatanong. Yep. Ganoong katagal), pero habang tumatagal na patuloy silang nagtatanong, minsan nahihiya na ako at hindi alam ang sasabihin dahil ni isang beses sa lahat ng pinag-auditionan ko, hindi ako naisalang sa contest mismo. Gusto kong mag-explain, pero nakakapagod kung iisa isahin ko sila at ilalahad lahat ng reasons kung bakit hindi ako naiisalang.


May time na hindi talaga ako nakapasa, may time din na nakakaabot ako sa final stage before isalang mismo sa TV, ngunit hanggang doon nalamang na tila ba parang may humahadlang. May time din na may tumawag sa lolo ko na pasado na ako, tatawag na lamang daw ulit for the schedule, ngunit wala nang sumunod. Mayroon din na pasado at kita na ang papel ko, ngunit ito ay natabunan daw sa dami. Lastly, recently ko lang nalaman- pasado na daw ako sa TNT and i-lock in na (dahil nga COVID season), pero dahil nagtanggalan ng mga empleyado sa ABS-CBN, napasama ang contestant coordinator na may handle sa akin. Madami pa ang ganap at mahirap ito isa isahin sa mga nagtatanong.


Malayo na ang narating ng mga balita na pasado na ako, ngunit dumaan ang ilang buwan at taon, hindi kailanman ito nag-materialize. Kaya sa muli na magtatanong sila, "Hera, kailan ka kakanta?"– I just tried to give a smile kahit nakakapagod na and said... "Nag-audition na po ako... Bahala na po si Lord."


Masiyado na siguro akong naging confident sa sarili ko at mismong si Lord, ini-huhumble na ako. Naququestion ko na din minsan ang kakayahan ko sa pag-awit,


"May kulang pa ba sa akin?"

"Ano ang dapat kong iimprove?"

"Lord, ano po ba ang dapat kong gawin?"


Nag-echo din ang sinasabi ng mga malalapit sa akin na, "Tingnan mo, kung ikaw ay yung dati, siguro haseng hase ka sa pangarap (singing career) mo", "Puro ka nalang Jesus", "Tingnan mo ang tita mo, mas na-una pang sumikat sa'yo sa Youtube. Kumikita na. Alam mo namang mas ano ka diyan" at kung ano ano pa. Masakit, oo, lalo na at hindi nila naiintindihan ang pag-sunod ko kay Lord. Kung mababasa niyo sa isang entry ko dito (My Life Testimony), nakalagay doon when I accepted Jesus as my personal Lord and Savior. My life had changed. It was a great shift talaga. God gave me the strength para panindigan ang faith ko in Him and serve the Lord with all my heart kahit madaming nagsasabi na sana bumalik nalang ako sa dati.

With all of these thoughts in my head, gulong gulo na ako (Bukod pa ang family matters, work and other aspects). I remembered crying sa Panginoon and told Him, "Lord, sabi Niyo nga po na you give the desires of the heart of those who delight in You, pero kung hindi Niyo ito will- Lord, kayo na po ang bahala. Basta I leave all these plans and dreams sa inyo. I know na hindi in vain or balewala lang na ibinigay Niyo sa akin ang talento sa pagkanta. I want to glorify Your name with it. Basta Lord, here are all my desires. I lay these all to You"


A song came into my mind entitled Trust in You by Lauren Daigle, and napa-iyak talaga ako sa lyrics, Letting go of every single dream

I lay each one down at Your feet

Every moment of my wandering

Never changes what You see


When You don't move the mountains

I'm needing You to move

When You don't part the waters

I wish I could walk through

When You don't give the answers

As I cry out to You

I will trust, I will trust, I will trust in You

I also remembered watching ang testimony or buhay ni Tori Kelly (MY FAVORITE ARTIST! SINGER/SONGWRITER WOOOOO. HIHI), na she also experienced na ma-reject at ma-lose yung pangarap niya, then writing in her journal na prayers Niya sa Panginoon. She mentioned about Philippians 3:7-8,

"Pinapahalagahan ko noon ang lahat ng ito, pero ngayon itinuturing ko na itong walang halaga dahil kay Cristo. At hindi lang iyan, para sa akin, ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Itinuring ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo,"(Filipos 3:7-8)

The Lord formed my heart na in Christ alone, I am grateful and content– that I count the things of this world as loss. The challenging questions that arise were, "Would you still follow Him with or without the blessings?" at "Would Christ still be enough for you even if you lost it all?". Mahirap man, but day by day, God molded my heart to say yes to these.


Simula noong drama ko kay Lord, I continued on writing songs and the book God told me to write (This is a different story and soon, ilalagay ko sa bukod na entry. Em so excited!). Hindi ko pala alam na God is already preparing me for greater things as He promised me na, "Hindi Kita ipapahiya sa pagpili mo sa Akin"

Then different doors opened. Una ay yung ABS-CBN Project Foreword na nakasali ako sa top 10, then down to 5! Hooooo. Grabe. Wala po akong backer, kundi si Lord lang (Ibang istorya din po ito, sa ibang entry ko po ilalagay. Hehe). Nagbibiro ako kay Lord. Sabi ko, "Lord, mauuna pa ata ang writing journey ko kaysa sa singing journey", pero I count it as a treasure, kasi ito ang plano Niya sa akin eh. The best ang plano Niya ika nga.


Patuloy lang din ako sa pagpapagamit kay Lord mapa-online or physical sa pag miminister, preaching and leading the worship. I kept myself determined on what I have– like pinag-iigihan ko ang paggamit at pag-iimprove sa mga gifts and skills na binigay sa akin ni Lord. Nagpa voice lesson din ako online, attended writing webinars, etc. Daming ganap para i-develop ang sarili. Then... An opportunity came. Actually, noong sinabi ng nanay ko na, "Elaine, mag-audition ka daw dito", I was like, "Teka, may ginagawa ako". Hindi naman sa hindi ako interested. Magpapasa naman ako ng videos, pero my heart was not into my self ambition like before I knew Christ. Kung gagawin ko man iyon, then it will be for my family and for the glory of God. Mabilis ang mga pangyayari and fast forward... Nakapasa ako and na-schedule na for swab test.


Akalain niyo yun? Kung kailan naman nagka-COVID, tiyaka naman nagbukas si Lord ng mga doors of opportunities? Tunay nga na ang mga nasa Kaniya ay hindi Niya pinababayaan. Noong una, medyo natakot ako kasi nagiging careful ako not to conform my faith, pero paano nga ba ako mag-rereach out sa mga tao kung hindi ako hahakbang sa labas? Kaya I told my sisters and brothers in Christ na ipag-pray ako- for strength, wisdom and love to stand firm in the faith, na hindi ako ma-iibo ng mundo. Plus, COVID season kasi. Before ako nag-audition, nag-ask muna ako ng guidance kay Lord and He said yes by revealing the Word sa bible regarding His promise kay David, na yung pag-promise Niya is like the sun– constant and hindi nababali. He also told me na magprayer and fasting ako for protection, and HE DID protect me from any harm, including COVID. Sinabihan din Niya ako na medyo magulo nga sa industry, so I need to be careful and prayerful. (Ref. Ezra 8:21-23). The Lord just kept on telling me, "Never stop praying and wait for Me. Wait for what I have in store for you."

Sinundo ako mismo sa bahay namin, then diretso for swab test. PRAISE GOD at Negative ang result. Almost three days kami sa hotel, may sari-sariling room. Parang buhay mayaman (HAHA), pero glory to God kasi pinaranas Niya yun sa akin. Free yung food namin and other stuff. Umaapaw pa. Kahit nasa hotel na ako, hindi ko pa din feel na lalaban ako or naandoon ako, kasi parang panaginip ang lahat. Akala ko kasi hindi ko na ma-eexperience ang mga ganitong bagay. Kumbaga, handa na ako kung anuman ang plano sa akin ni Lord.


Nag handa na nga ako ng mga bagay in pursuing music as my career eh. Irerecord ko na yung composed song ko with the help of my Christian friend sa instrumental and then release na sa Spotify. Then madami pa akong pinaplano. I was like, "Lord, kung hindi man sa National TV or walang record label ang maghahandle sa akin sa ngayon (katulad ng kay Tori Kelly), basta I will use this gift for Your glory."


Pero ayun, si Lord eh nanggugulat talaga eh. For only almost 2 weeks, salang na agad ako. Sinabi pa nung Talent Manager (na in-encourage akong mag-audition) na nangunguna daw ako sa mga nag audition base sa nag-hahandle ng show. Like... How?!?!?!?! Eh ang daming magagaling. Kung totoo man iyon, si Lord na ang nagtaas sa akin.

So kung gusto niyo makita ang mga pinaggagawa ko habang nandoon and behind the scenes, panuodin niyo ang VLOG ko (Nag-promote pa eh ano. Haha) sa Youtube. Click here to subscribe. (Patapos na 'to guys, don't worry. Dami kong kwento. HAHAHA).

Siyempre, nag-shoot muna for VTR sa hotel, then on the third day, mismong contest na. Pinakain muna kami ng lunch, nag-rehearsal for sound check, inayos ang hair and make-up and then yung mismong contest na.

Naalala ko na sabi ni Wacky Kiray, "Alam mo noong pumasok ka, ramdam ko na parang gustong gusto mong manalo eh. Na parang, 'Ako ang mananalo dito'" Hindi ko alam na ganun pala yung nakita niya sa pagpasok ko. I just remembered na pinipigilan kong kabahan, kasi noong nag-rehearsal kami, nawawalan ako ng hininga that made my singing difficult kapag kinakabahan. Basta ang natandaan ko, before buksan yung background screen for my entrance, in my mind– ganito ang scenario, "Lord, alam kong kasama ko kayo. Let's go, Lord." Kaya confident ang pagpasok ko. Maybe Wacky saw a victorious daughter of God. Naks.


Ang mga judges ay sina Wacky Kiray, K-Brosas and Ariel. Fan girling talaga ako sa tuwing makikita ko yung mga artista na para bang audience lang ako, ganon. HAHAHA. Hindi pa din makapaniwala eh.


God is so good, kasi ang babait din ng mga staffs and yung contestants na kasama ko. We helped each other if may need sa mga gamit gamit.

Medyo napa-isip ako noong napansin kong mas madami yung naging comment ng judges sa akin na dapat kong ayusin, kaysa sa ibang mga contestants. In my mind, I was like, "Okay sige Lord, kung anuman ang plano Niyo."

And then noong ipapakita na ang results, sobrang iba yung feeling. Kita ko sa screen yung rolling scores sa likod namin. Katagal ba naman, ako eh kabado na. HAHAHA. Tapos sabi ko kay Lord, "Salamat po kung mananalo ako if it is Your will, pero okay lang kung hindi... pero I'll be honest na iiyak po ako ha. Pero after po nun, okay naman na po ulit ako". Habang naikot yun, nakatingin na ako sa taas na parang iniipit yung feeling ko (HAHAHAHA). Sabi ko pa, "Lord, kung hanggang dito na lamang, tatanggapin ko po, ngunit kung plano Niyo na dalhin pa ako sa sunod, kayo na po ang bahala"


Then....


CONGRATULATIONS, CONTESTANT NUMBER 1


Sino ba yun? Siyempre ako! HAHAHAHA. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko. Gusto kong umiyak- Yung iyak na dahil sa relief, pero buti nalang napigilan ko. Nakakahiya kasing umiyak sa harap ng camera. Hindi talaga ako makapaniwala. Okay, hindi pa daw tapos si Lord sa bagay na ito. PRAISE GOD. Babalik ako for the weekly finals. Pero alam niyo ba yung hindi ko akalaing mararamdaman ko? Yung after ko umalis sa pinaka-stage, parang naging neutral ang feeling ko. Masaya naman ako pero... Iba pa din pala yung saya na binibigay ng Lord. Napagkukumpara ko na yung saya na may makukuha ka dito sa lupa vs. yung saya na makukuha mo sa love ni Lord. It makes sense. But do not get wrong– that does not mean na hindi ako thankful na nanalo ako. Siyempre, masaya ako, pero what amazed me talaga is when everything sank in my mind on how God protected and reserved me for this. Reserved... Why?

Almost 7 times na akong nag-audition sa Tawag ng Tanghalan, both exclusive and city auditions. Ilang beses na din sa mga TV shows like The Voice kids, The Voice Teens and other Singing Reality TV Shows. Ni isang beses hindi ako na-expose sa harap ng camera with regards to those. What LOL Kantrabaho is actually finding for ay mga hindi pa masiyadong exposed sa television or na-expose na, pero 2 to 3 years ago na ang nakakalipas. Yung ibang mga kasama ko once or twice naka-experience sa Tawag ng Tanghalan or I Can See Your Voice, pero compared to me? Isang beses lang ako! And ito nga yun. Masasabi kong hindi talaga ako, but the movement of God.


Hindi ko na masiyadong ikukwento pa ang mga pangyayari sa mismong show, 'cause I want to encourage you na panuodin ang mismong episode at yung VLOG ko. NAKS. HAHAHAHAHA. De... There are things na hindi kasi ma-eexplain through words.


What I've learned and discovered? Natuwa ako kasi God really prepared me for this. Inayos Niya muna yung character and puso ko sa bagay na ito. Nagulat ako na yes, I have a desire to win, pero noong nakapasa ako sa audition- masaya na ako doon. Hindi ko masiyadong napansin na kailangan nga palang mag-compete to win and then yung consolation prize. Hindi ko din naisip kung magkano makukuha. Nag-sink in lang sa akin noong minention na nila at ng iba kong kasama regarding these things. I was like, "Ah... Nakalimutan ko yun ah." HAHAHA. Masasabi kong it is not a bad thing, dahil I discovered na tama na pala ang content ng heart ko– to glorify the Lord and use that platform, especially sa music industry, to give hope and the Good News that I received from Him, lalo na sa gitna ng pandemic. Mapapansin niyo yun sa choices ng songs ko.


Mag-iiwan nalang ako ng isang statement before I end this entry and hopefully tumatak ito sa inyo. This is what I pray for na maging content ng heart and mind ko continually na nawa, maging content din ng sa inyo,

With or without everything I have and can have in my life, I would still be contented in Christ.
 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page