Know Me From Scratch
- Hera Helene' Macalalad
- Jul 20, 2021
- 1 min read
Updated: Jun 22, 2023
Know me from scratch
Kilalanin mo ako as if may hawak kang blankong papel ngayon
Nakatakip ang iyong mga tenga sa sasabihin ng iba mula sa isusulat mo sa papel
Naka-iwas ang iyong mga mata sa pag mustra ng iba mula sa isusulat mo sa papel
Nakaharang ang isang malaking bato sa butas papasok sa lugar ng iyong utak kung saan nagkakaroon ng mga konklusyon... Mula sa isusulat mo sa papel
Isulat mo
Isulat mo kung papaano ako makipag-usap sa'yo
Isulat mo kung ano ang galaw ko kaharap man kita o nasa isang sulok ako ng kwarto
Isulat mo kung papaano ako makipagkapwa at tumingin sa iba
Isulat mo lahat ng nakita mo na nanggaling mula lang sa akin
Kilalanin mo mismo ako at ito lahat ang isulat mo
Na walang impluwensiya ng iba...
Na walang impluwensiya ng mga pala-isipan.
Madali na ang manghusga, madali na ang magsalita, lalo na't hindi mo pa lubos siyang nakikilala.
Kapag may nakarating sa'yo
Huwag mo agad paniwalaan
Hayaan mong ipakita sa'yo ng Diyos
Sa buhay niya mismo
Hindi sa sabi ng tao
Dahil walang lihim na hindi nabubunyag
At walang sabi-sabi ang hindi nalilinaw, lalo na kapag ang Diyos na ang kumilos para magpatunay sa lahat ng ito.
Kilalanin mo ang isang tao mula sa kaniya mismo at lalabas din ang totoo
Mag-iingat din at baka ang maisulat mo ay mula sa iyong emosyon
Know me from scratch
Humawak ka ng sarili mong blankong papel
At huwag kang tumingin sa papel ng iba
Dahil ang alam kong pagtingin sa papel ng iba ay pandaraya
(Disclaimer: This does not apply to me alone, but for the general audience)



Comments