top of page
Search

Kailangan Ko

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • Mar 19, 2021
  • 2 min read


Nagising ako isang umaga at napatingin sa orasan ng aking telepono,


8:02 am. May halos isang oras pa bago maghanda sa aking trabaho


Sinubukan kong matulog ulit, ngunit biglang pumasok sa isip ko ang mga naging ganap noong nakaraan. Simula nito ay hindi na ulit ako makatulog at napatitig ako sa kisame na covered with owls na nakatitig pabalik sa akin. Nagsimula akong kausapin si Lord, "Lord, hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan Niyo po ako" yun nalang ang aking naging hiling dahil nagawa ko na ang lahat. Simula ng mga nakaraang araw ay umiiyak ako. Halos sleepless or late nights dahil sa mga naging ganap sa buhay. Hindi nanaman bago sa akin ito, ngunit mahapdi talaga.

As an ate, I cannot be vulnerable. Parang hindi ako pwede umiyak. Kapag nakitang may luha galing sa mga mata ko, ang mga posibleng madinig ko ay, "Huwag ka ngang maarte" o "Mas mahirap pa nga ang pinagdadaanan ko sa'yo". Kaya naman, ako na hindi masiyadong tumatambay sa kwarto noon ay natuto nang magkulong ngayon kapag umiiyak, lalo na sa tuwing humahagulhol ako kay Lord. Hindi ko pwede ipakita sa kanila na hindi ako okay dahil hindi din nila maiintindihan ang rason kung bakit ako umiiyak. Kapag in-explain ko ito ay mas lalo nila akong hindi pababalikin sa lugar na madalas kong puntahan o worst, matisod sila sa malalaman nila at magkaroon ng bad impression. Para akong naiipit na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.


Tok tok tok


"Ate?" banggit ng aking nanay pagkabukas ko ng pinto. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak at pagdarasal kay Lord nito, ngunit sinikap kong hindi niya makita ang puffed eyes ko. Buti nalang nakalugay ako at madilim sa kwarto.


"Ate, natutulog ka?"


"Ah- hindi. Ano yun?"


"Patulong naman sa activity si Dastan, may gagawin lang ako. Bantayan mo lang saglit habang nagdidiscuss ang teacher"


Past 9:30 am na, hindi pa tapos ang sesyon ko with God. May trabaho pa ako ng 10am. Paano ko mapagsasabay ito? May mild autism pa man din ang kapatid ko, kailangan ko din maging patient, kaso hindi pa ako okay. Naaawa din ako sa kaniya. Hindi naman ako pwede umangal, kasi tatanungin kung bakit. Siyempre di ko pwede sabihin kung bakit nanghihina ako.


Sa pangyayari na ito, kasabay pa ang first day ng aking monthly bisita as I tried to pull myself together, may mga linyang pumapasok sa isip ko,

Kailangan ko...

Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko dahil may problemang pinansyal between my parents

Kailangan kong maging patient para sa aking mga kapatid

Kailangan kong tumayo despite sa sinasabi ng mga itinuturing kong mga kapatid

Kailangan kong magpaayos sa Panginoon araw araw upang maayos ang aking testimony at magawa ko ang great commission o ang pag-lead sa mga tao towards the Lord, especially my family

at sa gitna ng gawaing ito, kailangan kong magpakatatag sa gitna ng panghuhusga ng mismong inaasahan kong mga makakaintindi sa akin

Kailangan kong magpatuloy at sundin ang nais ng Panginoon kahit na sa tingin ng iba ay mali ito

Kailangan... Kailangan ko... Kailangan kong gawin 'to kahit nakakapagod at sabay sabay. Kailangan ko... Kahit ipit na ako.


Kailangan ko... Kailangan ko ang Panginoon to keep my mind and heart together. Lord, help me maintain my joy, smile and sanity.


Kailangan... Kailangan Ko.

 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page