Just Felt Bursting Right Now
- Hera Helene' Macalalad
- Aug 21, 2020
- 5 min read
Updated: Nov 11, 2020
Yes, opo. Nababasa niyo yung title? Opo (Ang gulo ko no? Hahaha). Pero right now, I will be writing spontaneously - meaning walang edit edit (Pero may koonti siguro dahil medyo perfectionist ako eh. Hahaha).

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Tama yung nabasa niyo sa taas. I felt bursting right now. Galit ba? Inis ba? Bitterness ba? Hindi.
I felt like bursting right now with joy and praises kay Lord. Bakit? Anyare ba ate ghorl?
Gusto ko lang kayo i-update sa mga nangyari/nangyayari in my life right now. If only I could translate these all into English - nagawa ko na para madaming makapag-basa, pero hirap ako ng pure English lang eh. Okay, I am speaking out my mind again. Back to the topic tayo.
So ayun nga (parang nakikipag-usap lang sa personal eh no. Hahaha), sobrang thankful ako sa Panginoon sa mga bagay sa buhay ko ngayon. Not because of the blessing alone, but because of who He is in my life and what He is continually doing in my heart and mind. Yung tipong tinuturuan Niya akong mag-thank you sa mga pangyayari kahit hindi ko feel na magpasalamat? Yung tipong kahit naaane (Batangueno term) o naiinis na ako, ang gusto ni Lord na isigaw ko ay, "I LOVE MY WORK!" - ganon! Hahaha.
Pero walang halong biro, nakatulong ito. Sobra. Ofcourse, hindi lang sa gitna ng unos at bigat ako nakakapagpasalamat - kundi sa mga ginagawa ng Lord sa buhay ko na hindi ko akalain na gagawin Niya.
Ang last na ini-post ko dito is about "Letting Go of the One" na ginawa ko namang draft, kasi gulong gulo ang isip ko noon - why? Because iniisip ko lang na, "Kailangan kong matapos agad ito para mapacheck", and I stopped writing dito sa blog muna for a while kasi may iba akong inaasikaso. Ramdam ko kasi napepressure ko ang sarili ko for such things and gusto ko na kapag gumawa ako - yung taos sa puso. Katulad ngayon. Ayaw kong i-give up itong blogging kahit alam kong kaunti pa lang (sa ngayon) ang nagbabasa. Naniniwala ako na aabot ito sa mga right people na nangangailangan nito. God's leading ika nga.
Ito na talaga. Hahaha. For the past months na naka quarantine, sadiyang nakakapag reflect sa buhay - at talagang kapag mahina ang iyong loob ay lalamunin ka ng lungkot, pag-aalala at panghihina. Yung tipong, "Anyare na sa life?" or "What is my purpose in life? Ganito nalang ba? Kain. Tulog. Kain. Tulog". Pero dahil sa pag-aaya ng Panginoon na, "Spend time with me" - ay talagang ini-grab ko na ang opportunity na mas lumapit pa sa Kaniya, baka kasi maluka na ako. Madami pa naman ding ganap in my life, pero nakakapagpatuloy ako dahil sa lakas Niya. HOOOOOOO! Thank you, Lord!
Madaming nangyari - una, nakasali ako sa isang Christian group sa aking work na ang pangalan ay The Gathering. Kung may iba't ibang branches ang work ko - may iba't ibang branches din iyon with it. Matagal na kasi akong nagpepray na sana may masalihan man lang akong Christian group sa work (kung mayroon man). Pero it took me almost ilang months bago ko ito nahanap. Kung hindi pa na-mention ng kasama ko sa isang team ang term na, "kasi church namin..." - so ayun, pagkadinig ko noon, TING! Nag-tanong agad ako kung may alam siya na CG nga sa work. And iyooooooon - answered prayer.
And fast forward ngayon - kakatapos ko lang mag-speak (online) sa isang branch and also, noong isang araw sa ibang branch naman. Opo, yung bagay na hindi ko masiyadong nagagawa sa church dahil more on worship leading nga ako, nagawa ko dito. SOBRANG SAYA ko dahil tamang timing na ibinigay sa akin ng Lord ang opportunity na ito. I GIVE GOD ALL THE GLORY kasi ang alam ko, tega pakinig lang ako for so long doon. Grabe talaga noong tinanong nila if pwede ako mag-turo, I was like... WAAAAAAAAAAAA LORD!!!! Ganon. Sabog na sabog talaga (in a good way naman). HAHAHAHA.
Then in terms naman sa desires and plano sa akin ng Panginoon. Gusto ko talaga itong i-blog sa bukod na entry. I'll try to make it short muna here because baka mapahaba ito, baka kayo eh ihing-ihi na o gutom na. Baka tinatawag na kayo ng magulang niyo or anyone. HAHAHA. Also, ibubukod ko para sa testimony ko na din mismo at makatulong sa iba in their walk with God. Hihi. In short, one of the ABS-CBN Project Foreword Finalists/Mentees na po ako, and malalaman mamaya sa aming final interview kung makakapasok ako sa top 5. I CLAIM IT IN JESUS' NAME... Basta will ng Panginoon. Masaya ako kasi umabot ako hanggang top 10, with over 400 + submissions daw. Akalain niyo yun? Mas kilala ako sa pag-awit, pero dito ako dinadala ni Lord? May ini-impart din kasi Siya sa akin na librong dapat kong isulat/tapusin. Actually tapos na siya - nirerevise ko nalang. I want to share more, pero sa bukod na blog nalang. Hikhik. Hindi pa tapos si Lord sa pagsusulat sa aspect na ito eh.
Lastly (for now, kasi 2:57 am na. Baka majabongga ako ng nanay ko, eh hanggang 2am lang naman trabaho ko. Nag-upload din kasi ako ng video sa Youtube. Like and Subscribe! HAHA), hindi ko mapigilang isulat 'to, kasi nag-uumapaw talaga yung fire na... Hindi ko alam. Haha. Basta I feel the excitement, gratitude and love for the Lord.
Kaya kung may pinapagawa sa inyo ang Panginoon kahit na hindi niyo alam kung anong mangyayari sa inyo sa future, gawin niyo lang - diyan kasi gagana ang faith mo sa Kaniya. For sure, ang ganda ng kung anuman ang in store ni Lord. Sabi nga sa Hebrews 11:1,
Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.
I recommend na basahin niyo ang buong chapter ng Hebrews 11 sa New Testament sa bible at sadiyang maiintindihan mo ang pinaparating ko dine/dito sa blog ko. Hekhekhek.
Anyways, ayun lang naman (for now). May gusto pa akong idagdag, pero siguro separate entries nalang. Excited ako for what God has in store for me - and so does what He has in store for you. Excited na ako for you! Basta lumapit ka lang sa Kaniya. He has already set you apart for His great purpose. Ulitin ko, for His greatpurpose. Hindi para sa selfish ambitions natin, kundi para sa pagpapakita ng glory Niya na talagang nakakapag-pahumble sa atin at nakakapag-pasatisfy kahit na hindi para sa sarili lamang ang ginagawa natin. Yes, He will bless us - pero hindi pwedeng tayo lang ang ma-bebless. Gagawin Niya tayong vessel of blessings - and ofcourse, if the Gospel is in you na - to share that as well, because that is the foundation of our faith in Christ.
That's all for this... Morning. God bless y'all!



Comments