top of page
Search

I Got My Driver's License!

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • May 11, 2021
  • 5 min read

Updated: Jul 18, 2021



Ang madalas na nadidinig ko sa aking nanay ay, "Ano ba yan, babayad nanaman. Ang daming gastos. Yung pamasahe, yung ganito, etc." And ako, I try to help as much, but may iba akong naisip to help her especially sa transportation...


Why not mag-aral ako mag-drive?

So here's what I did sa pagkuha ng license (as first timers here in Balayan) in a shortened way, You need to consider going to a licensed driving school para sa student's permit

There are two driving schools here in Balayan:

First step is to take the Theoretical Driving Course or TDC. It is a 3-day seminar (depende din sa driving school) purely teaching regarding sa pag-dadrive, signs (informative, regulatory and warning signs) and disciplines sa pagdadrive. Costing 2,000 to 2,200 pesos depending sa driving school. You decide kung alin sa dalawa ;) They will guide you what to do during the theoretical. Expected sa TDC ang photocopy ng birth certificate (PSA) and medical na magagamit mo din kapag nag-apply ka na for student's permit. Sa aking experience, may exam every end of the day. Then pinaka-last day, may final exam. If hindi pasa, mag babayad ng 100 php to take another hanggang sa makapasa. After these, ready niyo ang mga items na ito for processing na sa LTO for SP:

  • TDC (Passed)

  • PSA or Birth Certificate (Original and Photocopy)

  • Medical Certificate

  • 1 Valid I.D. Government Issued

Mag-ready din ng pera (Like almost 1k to 2k) during the process. After 1 month tiyaka ka pa lang pwedeng mag-apply for non-pro. Maganda na habang hinihintay mo yung 1 month, take the PDC or Practical Driving Course. Dito madedetermine kung alin yung i-aapply mong code (Or uri ng iyong idadrive). Kung before ay numbers depende sa uri ng sasakyan (Motor, 4 wheels, truck, etc.), ngayon ay per letter na. Very specific. Bukod sa tuturuan ka sa idadrive mo in actual, itetest ka din if pasa ka sa pagdadrive nito ng mag-isa thereafter.


For Non-Pro, ito po yung requirements:

  • Student's Permit

  • PDC or Practical Driving Course (Passed)

  • Medical Certificate (It expires after 2 months, so pwede pa yung medical mo noong nag-apply ka for Theoretical)

  • Updated O.R./C.R. ng sasakyan (Registration) na gagamitin mo for test drive (Pwedeng from a friend or rented vehicle from the driving school)

Then ready yourself for the online exam and test drive. During the Theoretical, iga-guide ka for registration sa LTO portal and may practice exam doon for the online. Very convenient.


Going back to my story...


Madalas kasi kung saan saan pumupunta ang mommy dahil siya din ang inuutusan ng mga tito ko (mga kapatid niya) sa mga businesses nila dito sa Pinas. Siya lang kasi ng kapatid niyang babae (tita ko) ang naandito habang ang mga tito ko naman ay nasa iba't ibang bansa. Para makakita pa ng extra money, tumutulong siya. Pero saludo at malaki ang pasasalamat ko sa mga tito ko kasi kapag may kailangan kami na pang pinansyal ay binibigyan nila ang nanay ko at hindi ito tinetreat as utang. I look up to them as blessed givers.


Bukod dito, ang mga kapatid ko naman ay may sari-sariling agenda. May kapatid akong kambal at may maliit na may mild-autism. Ang isa sa kambal ay may allergy na kapag tinamaan siya nito ay maaari siyang mamatay anytime. Every 2 weeks or 3 weeks, tinuturukan siya (at gagawin ito sa loob ng 3 to 4 years, imagine?) sa Lemery. Bayad gas, pagkain at driver. Yung isa naman ay sala ang alignment ng upper and lower teeth (Hindi ko alam ang tawag. Haha) at nalagutok na which is delikado, so may pa-adjustment ng brace regularly. Nakaka-rindi sadiya no? But God is still good kahit walang totally na kaalalay ang nanay ko, dahil si Lord mismo ang nagpapalakas sa amin. Tuwing pumupunta kami sa church, isa din sa daing ng nanay ko ay ang pamasahe dahil ang layo ng sinisimbahan namin. Isang way pa lang ay inaabot ng halos 60 to 100 pesos. Pabalik ay maaaring mas mahal dahil minsan ay ginagabi na sa practice o mga ginagawa.


Then it came to the point na... What if matuto na ako mag-drive para mabawasan ang sakit ng ulo at gastos? It will benefit all of us. Maaari din makatulong sa akin if ever kailangang pumunta ng Manila at may personal na aayusin sa trabaho. Isa din sa desire ko ay bumisita sa mga families and friends para kamustahin, sharing Christ to them.



Kaya naman, these reasons fired me up to pursue sa pagkuha ng license. Akala ng iba prinsesa lang ako sa bahay... Pero sa tunay? We are having a difficult time.

Yes, my family strive their best to treat me as a princess (because they still want to show their love for me. Ayaw ng family ko na makaramdam ako na layo sa kanila and I thank God for this. Hindi ko ito nakita noong una), pero dahil sa mga pinagdadaanan namin, I need to stand as a tough princess na walang arte. Minsan maging prinsipe ng aking ina sa pag-aasikaso ng ibang bagay na dapat ang tatay ko ang gumagawa.


Don't get me wrong, hindi ako nagpapaawa or humihingi ng sympathy. Gusto ko lang din isulat dito at ilabas ang nasa puso at isip ko. Yes, there were times na guilty ako kasi hindi ko nagagawa ang responsibilidad ko, especially before, pero lately (last year), kasabay ang pag transition with my work, natuto ako at tinuruan ako ng Panginoon to balance. He taught me that serving Him is loving and caring for people. Hindi enough na nagchuchurch lang ako o nakanta sa unahan. Hindi enough na nagpapatas ako ng upuan sa loob ng church, pero hindi ko nga maasikaso ang mga kapatid at pamilya ko sa bahay. I should be the same inside and outside.


Kaya ngayon, bumabawi ako at laking tuwa ng puso ko- sa hinaba haba ng proseso sa LTO (sa legal at maayos na paraan), nagastusan man ng malaki (Dahil sa doble medical at na-expire due to GCQ, di muna pwede mag PDC) at kasabay ang pag-resign ko sa trabaho at walang cash-in (dahil lilipat na ako sa government, hinihintay pa ang clearance sa previous company ko para maipasa ang papel ko for the return of service. Gumastos pa din sa medical that costs almost 4k bukod sa gas, driver, etc.)- praise God dahil ito na. I am ready to serve God by helping my family and maasikaso ang mga bagay bagay that I believe madali ko nalang magagawa pag dating ng panahon kapag naman sa sarili kong pamilya.


I've learned and am continually learning to balance... Be a light both outside and inside my home and church. May mga heaviness mang nararamdaman at naranasan in some aspects, but praise God- dahil the Lord I serve is alive and He is helping me get through. Lord, thank you, officially this day- May driver's license na ako! Malaki ang pasasalamat ko sa Lord despite of the trials or mga pagsubok. Kung hindi dahil dito, hindi ako tatatag at ipupursue ang mga bagay na mas mahalaga sa panahon na ito.



 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page