Ang Ingay na ng Mundo
- Hera Helene' Macalalad
- Dec 22, 2020
- 1 min read
Ang ingay...
Ang ingay na ng mundo
Simula sa aking pagkasilang, doon at dito ay magulo
Kasabay ng pagmulat at pagkakaroon ng muwang ay mas lalong umaalulong
Kasabay ng aking pagtanda'y mas lalong umiingay
Pagkagising pa lamang ay dinig ko na ang TV sa sala o selpon ni mama
Mga pag-iyak, pagsigaw, paghagulhol, pag-awat o putok ng baril
BANG!
Ang ingay...
Ang ingay na ng mundo
Kailan matatapos ito?
Dahil... Nakakapagod na ang gulo.
Hìndi ko man makita nang harapan
Ngunit sa tunog pa lang ay mabigat na ang pakiramdam
Panginoon, sa tamang panahon, kami ay Iyong iaahon
Ang gusto ko lamang madinig ay ang Iyong boses
May kapayapaan, kasiyahan, kagalakan at... Katapatan
Na hindi maibigay ng mundo... O ng maka-mundo
Sa bulong Mo lamang ako umaasa
Dahil sa kaingayan na binibigay ng mundong ito
Ang boses Mo ang nagpapakalma sa aking isip at puso.
(Inspired by a true event of shot unarmed mother and son in Tarlac)



Comments