Alam ko ang Hindi ko Alam
- Hera Helene' Macalalad
- May 5, 2020
- 8 min read
Updated: Jun 20, 2020
Halos mag dadalawang buwan na simula nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lockdown or pag-quarantine ng mga pamilya sa sari-sariling mga bahay. Tunay nga naman na somehow life changing ang sitwasyon na ito, since may mga bagay tayong hindi nagagawa noon na nagagawa na ngayon.

(Photo by Thought Catalog from Pexels)
Madalas ay nasa salas o kwarto lamang tayo. Kung palaging gutom, sa kusina. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan. Minsan ay tumatawa tayong mag-isa (nababaliw ka na teh?) dahil sa mga memories na nagbigay ng saya at may iba namang memories na nagbigay ng lungkot sa atin. Yung tipong, "Sana, hindi ko nalang pala ginawa iyon noon" o kaya nama'y, "I should have done better". This season also helped us to re-think about life and evaluate ourselves.
Bago ang lockdown ay may napanuod akong mga entertaining videos sa Youtube and nakapag-basa ng mga posts or articles regarding sa pag-lingon sa nakaraan. Ang nakakatuwa dito ay ginawaan nila ng iba't ibang twists at pakulo. Ang isang video ay tungkol sa interview ng isang artist taong 2017 at muli siyang in-interview ng sumunod na taon by the same channel on the same date with the same the set of questions. Inulit muli ang interview pagkaraan ng isang taon. Pinag-kumpara ang kaniyang mga sagot sa tatlong interviews (2017, 2018 and 2019) at pinakita ang reaction niya dito. Kitang-kita ang pagkaka-iba and how she commented about herself. Mga realizations, discoveries, etc.

(Photo by Thought Catalog from Pexels)
Sa Social Media naman, laganap ang tinatawag na #throwbackthursday na kung saan nagpo-post ng photo - months or years earlier - na may significance with matching caption. Tinatawag itong throwback photo/picture. Mayroon ding short clips na magpopose ang family members, pagkatapos ay ipapakita ang picture na ginaya nila way back noong younger sila. But one content caught my attention,
What Would You Tell Your Younger Self?
Pamihado mapapa-isip tayo ng malalim. Ano nga ba ang pwede kong sabihin kapag nakaharap ang younger version ko? Ten years old? Eighteen years old?
Ikaw, anong sasabihin mo sa younger self mo?
Bibigyan mo ba siya ng advice tungkol sa love - mahal niya o ang mahal siya (Kanta ata 'to ah)? I-eencourage mo ba siya na mag-exercise, dahil pag-tungtong niya ng 20 ay magsisimula na siyang manaba? O kaya naman ay magrerecommend ka ng mga movies or kdramas na pwede niyang panuorin sa tuwing free siya?

(Photo by Thought Catalog from Pexels)
Panigurado may mga pangyayari at bagay tayong nalalaman ngayon na gusto nating ipaalam sa kanila para maging better sila or maka-iwas sa sakit at pait (Drama? Hahaha). Yung sabihin ang desisyon na dapat nilang piliin para mas maging maayos ang lahat.
Kaya napa-isip ako at i-eemphasize ko sa entry na ito, pakinggan ninyo ang inyong mga magulang, lolo/lola at mas nakakatanda sa inyo. Para din ito sa ikabubuti natin. May mga bagay kasi silang alam na hindi natin alam. May mga naranasan sila na ayaw nilang maranasan natin. Sabi nga,
Papunta ka pa lang, pabalik na ako
Mapapansin naman natin kung mali ang pinapagawa nila (Hal. Hampasin mo kaklase mo, sabay takbo) at yun ang hindi natin susundin, pero mostly naman ay para sa ikaaayos natin.
Ikaw na ngayon ay sa padagdag at hindi sa pabawas ang edad, ano ang gusto mong sabihin sa mas-batang version mo?
at dahil sa feeling na dala ng lockdown, naisip kong bisitahin ang edad ko na Fifteen years old at kausapin siya.

Me talking to fifteen-year old Hera,
Hello, Hera. Balita ko tumanggap ka kay Jesus ah? Anong pakiramdam? Nawala yung bigat no? Alam ko na dadating sa point na mapapatanong ka tungkol sa buhay, ano ba ang totoo. Pinanghahawakan mo nga ang Matthew 7:7, diba?
Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you
Nakakatuwa, no? Dati ang maldi-maldita mo, pero ngayon binabago ka Niya araw araw. Kakaibang nilalang ka na. You had been born again. Tama lang ang ginawa mo na nagtanong ka kay Father God ng diretso. Ipagpatuloy mo lang ang pagmamahal mo sa Kaniya.
Sa tunay, gusto ko sabihin sa'yo lahat ng mangyayari, na-eexcite ako. Hahaha. Pero limited lang ang sasabihin ko, para gumana ang faith mo. Sabi nga sa Hebrews 11:1, "Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.". May ipapagawa sa'yo si Lord na nakakatakot at parang walang sense, pero sundin mo lang. Hindi ka mag-sisisi.

Kamusta nga pala ang puso mo ngayon? Nakakatuwa naman at nanumpa ka sa sarili mo at kay Lord na hindi mo na hahayaan ang mga lalaki sa life mo, kundi yung the one nalang. Gusto mo yung sunod na makaka-something/MU/Bf mo ay yun na ang mapapangasawa mo. I-enjoy mo lang ang pagiging single. Let yourself grow, develop and improve first. Do what you love and always put God first. Remember, Matthew 6:33. Tanda mo yung naka-MU mo noong 2nd year high school? Oo, huwag mo nang babalikan yun, ha? Hahaha. I know you won't. Guard your heart. Magkakaroon ka ng feelings sa iba, pero huwag ka papapanatag if sinabi niya/nila na binigyan sila ng sign ni Lord tungkol sa'yo ha? Ang intayin mo ay ang go sign ni Lord sa'yo. Trust in the sign Giver rather than the sign nga pala. May magbabanggit ng line na yan sa'yo soon - at isa siya sa mga pagkakatiwalaan mong kuya. Malapit-lapit mo na siyang mameet. Exciting journey niyo with your kambal as well - spiritually.
Pero mangyayari na you will disappoint both yourself and God. Huwag ka mabibigla ha? Kasi... Ma-dedepress ka. Just be honest and open kay Lord, for He will not judge you. He will restore and heal your broken heart, just let yourself be teachable and humble. In every aspect, halos guguho, pero do not worry - hinayaan yan ni Lord for you to feel others' wounds and you know how and what to advice na. Also, to make you stronger in the faith. May mga depressed kasing magkakaroon ng courage mag-open sa'yo, kaya ihanda mo lang ang mga itinuro ni Lord. Always ask wisdom sa Kaniya on what you should say.

(Photo by Thought Catalog from Pexels)
May hahayaan kang lalaki sa life mo. Hindi mo naman sinasadiya, but yeah - naging marupok ka in a way. Hahaha. He is kind, nice... May takot din sa Lord, but it is not time yet... and he is not the one. Mapapatagal - hindi ko sasabihin kung ilang taon, pero matututunan mo dito how to truly wait and listen to God's go sign rather than others' sign. Please, forgive him. Forgive yourself and let go, dahil the best ang ibibigay sa'yo ni Lord - pramis! Mapapa-woooooo ka. Do not try and try. Reserve yourself and remain pure for the one. There are many fishes in the sea kung iisipin mong the one that got away yung naka-something mo na yan, pero higit ang inihanda ni Lord. Trust me, you won't regret it. Nakakakeleg. Hehehehe. Ma-iinlove ka ulit, pero this time... Ibang iba na - kasi natutunan mo na magkaroon ng self-control, basta continue to pray for yourself and for that person. He is godly, but never assume unless otherwise stated ha? Still, put your trust in the Lord, dahil Siya lang ang may alam kung sino talaga ang para sa'yo. Pray for the one. Kenekeleg telege eke!
Makinig ka ng music kapag stressed or na-iinspire. Maging observant ka din sa pakikinggan mong mga artists, dahil their songs can affect your mood and heart, as well as kung anong intention ng puso nila. Pakinggan mo sina Kari Jobe, Jamie Grace, Moriah Peters, Meredith Andrews, Matthew West, Jonathan McReynolds at Tori Kelly. Patuloy ka lang mag-aral tumugtog ng Piano and Guitar. Tiyaka na yung ibang instruments (Drums, Bass, Violin, etc).


Bibigyan ka ni Lord ng iba't ibang mga kaibigan, lalo na sa dorm - at tunay na pasisiyahin ka. Your College life would be awesome, pero sana huwag kang magpapadala sa desisyon ng iba ha? Tiyaka manindigan ka kahit ayaw ng iba sa values na itinuro sa'yo ng Panginoon. Huwag mo hahayaan ang kaaway na nakawin ang joy na nasa puso mo, dahil tunay na sasaya ka during those times, pero watch your words and actions as well. Pakinggan mo din ang side ng mga kaklase mo. Mahirap na maka-group ang iba, pero sabihan mo na agad in a gentle way. Kung ayaw talaga maki-cooperate, sabihin mo sa professor mo. Huwag ka matakot. And always hang on to James 1:5 and Colossians 3:23,
If any of you lacks wisdom, let him ask of God, who gives to all liberally and without reproach, and it will be given to him.
And whatever you do, do it heartily, as to the Lord and not to men,

Dadating din sa punto na may mga mang-iiwan sa'yo. Yung mga taong akala mo andiyan sa tabi mo, aalis. There will be people who will stay and not stay. It is because either God is protecting you or He is teaching you to depend on Him alone. Iform mo sa puso mo ang acceptance, forgiveness and most especially, ang love. Love others even if... Huwag ka din masiyadong judgmental, lalo na sa mga nag babackslide or may pagkukulang sa Panginoon. Oo, naiintindihan kita at na-shookt ka - na akala mo kapag Christian, perfect na - walang conflict sa church and between people. Let me tell you, nobody's perfect (except si God), pero lessened naman unlike kapag wala si Lord sa life nila. Pakitaan mo sila ng pagmamahal like how Jesus forgives sinners, para magkaroon sila ng total restoration and dumating sa point ng repentance. Have the mind and heart like His. Ma-oovercome nila yan, basta continue to show love. Be gentle lang always ha? Huwag makipag-debate.
Minsan, hindi mo na din kailangan i-explain yung side mo if alam mong hindi makikinig yung kausap mo. Minsan, silence is the best response. Pray for them instead at pa-check up ka din kay Lord kung may mali ba sa puso mo. Strive to remain pure and holy through Jesus' blood. Stay kind and godly. Do not change just because you had been treated unfairly. Do not lose who you are in Christ and stay how He made you. Again, accept, forgive and love. It may be difficult for us, but we can do all things through Christ.

Napapahaba na ito, baka ma-information overload ka. Hahaha. Pero always remember this - untold or told desires, sasagutin ni Lord at mabibigla ka nalang. Madaming surprises IF magpapatuloy ka lang sa Kaniya.
Ang dami ko pa gustong sabihin sa'yo, sobrang dami. Alam mo kung bakit? Dahil madami akong napagdaanan - at hindi mo aakalain na mararanasan natin yun. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Kasama mo si Lord sa lahat ng laban kahit ramdam mong mag-isa ka nalang. Panghawakan mo ang verse na John 4:34 - yan ang magiging life verse mo,
“My food,” said Jesus, “is to do the will of Him who sent me and to finish His work.
Sa pagtatapos ng pakikipag-usap ko sa'yo, I would like to say... I am so proud of you. Oo nga pala, may dadating na disease. Magkakaroon ng lockdown hanggang... Secret. Hindi ko sasabihin kung kailan, pero huwag ka matatakot, dahil safe ka, pati family mo. Working from home nga ako ngayon eh. Hahaha. Basta always ask God if magdedesisyon ka, yun ang pinaka-huling advice ko sa'yo. Kahit madaming magalit sa'yo, Siya ang sundin mo and you will be safe. Sana bitbitin mo sa mga susunod na taon ang mga sinabi ko sa'yo, dahil
Alam ko na ang mga bagay at pangyayari na hindi ko alam... ng panahon na yan.

(After Graduation 2019 - Hindi man Cum Laude, pero konsehal Raymund Dela Vega hang my tarpaulin sa munisipyo)

(On the Roro to Mindoro - June 2019)

(Mission at Mindoro with the Mangyan Tribe - June 2019)



Comments