top of page
Search

Ako din...

  • Writer: Hera Helene' Macalalad
    Hera Helene' Macalalad
  • Jul 31, 2022
  • 3 min read

Naihatid ko na yung mga invites ko sa church when I was on my way sa birthday ng ka-church namin. Kasama ko yung youngest brother ko and isa kong alaga sa church. Bigla siyang nagsabi at napa-iyak,


"Ate, alam mo ba, naiinggit ako kayna (Name restricted)"


"Bakit?"


"Kasi yung buong pamilya niya, nakakasama na sa church. Alam mo yun ate, ramdam ko na parang mag-isa lang ako (She's pertaining na siya lang yung nagpapatuloy sa Lord in the family)"


When she said that, I felt her. Naintindihan ko siya. It all came back to me...

An image appeared on my mind when I was praying for one of my invites din sa church for the salvation of her family. The prayer request was written on my notebook as I run through all the other requests; Minention ko kay Lord. And then it happened na buong pamilya, nagchuchurch na.


And when I was continually praying for it, biglang pumasok sa isip at puso ko, "Should I continue to pray? Parang... Paano yung pamilya ko? Nauna pa siya na makasama ang family niya" but I immediately dismissed that thought, kasi kaligtasan pa din naman ito ng mga souls.


Then until now, when I invite my students; Praise God, kasi nagtutuloy sila, then unti-unting na-rereach out din yung family nila. May mga ka-church ako na mas bata or let's say, nauna ako sa kanila makakilala kay Lord, pero nadadala na yung mga kapatid and parents.


Naisip ko, anong mali sa akin? Nanggaling naman na mismo sa bibig ng nanay ko na nagbago at bumait daw ako. There were times naman na nakasama ko na sa ministry yung mga kapatid ko, then parang cycle lang- nawawala, bumabalik, heto nanaman. HAHA. Pero back to serious mode, naisama ko na yung parents ko, pero after ilang weeks, may mangyayaring hindi inaasahan... Luha't uhog na ang nailabas ko sa pananalangin para sa kanila para magtuloy tuloy at taos pusong tumanggap sa Panginoon. What is stopping them?


Until now, hanging question pa din ito sa akin; Pero habang nabubuhay ako at hindi 'pa' tumatanggap ng buong puso kay Lord ang buong pamilya ko, mag-rerejoice ako sa mga kaluluwang naliligtas. Magrerejoice ako sa mga pami-pamilyang nagiging kumpleto na um-aattend sa church ng sama sama. Isang kagalakan sa puso na gamitin ng Panginoon para sa ikaliligtas ng mga pami-pamilya.


"Alam mo be, ako din. Kita mo ngayon? Wala yung mga kapatid ko. Wala yung nanay at tatay ko. Ito pala, yung bunso kong kapatid, katabi ko (He is 11 years old, may ADHD and mild autism)


Geniyan din ang naramdaman ko. Dumating sa time na naiinggit ako, pero pinaalala sa akin ni Lord na... Kaluluwa pa din naman sila. Dapat masaya ako, kasi naligtas sila. Gawain pa din naman ng Lord. Basta ako, patuloy akong mag-seserve sa Lord. Hindi ka nag-iisa sa laban."


Mahirap at masakit man, ang tinitingnan ko nalamang ay kung papaano ako ginamit ng Panginoon para ma-reach out yung mga students or inaalagaan ko sa church, na ang nangyayari- nag-eextend to their families. Even if hindi pa mangyari sa pamilya ko, isang kagalakan na yung mga shineshare-an ko ay namumunga. Ibig sabihin, pinamumunga ako ng Panginoon at kasama ko Siya dahil pami-pamilya ang naliligtas.


I will still continue to pray for the salvation of all the sheeps' families that God entrusted to me. Ikinagagalak ko iyon, dahil kaligtasan iyon ng mga kaluluwa. Kay Lord pa din naman ang gawaing ito. Ang dapat na kamuhian o i-cancel out ng puso ko ay ang paggalaw ng kaaway; at ikagalak ang success ng nais ni Lord;


"'Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.'" (Matthew 28:19-20 NIV)

and in God's time, and if the Lord wills, my family will trust in and accept Jesus wholeheartedly.

 
 
 

Comments


Hera Helené

© 2025 by Hera Macalalad.

Proudly created with Wix.com

Hope, Recovery, Mental Health, Depression, Healing, Anxiety, Getting Up, Writing, Book, Hopelessness, Helplessness, Anong Nangyari Sa Akin?, Hera Helené, Faith, Worship, Revival, Resistance, Resilience, Music, Song, Songwriting, Singer, Christian, Christian Music, Melody, Bestseller

Contact

Ask me anything

Thanks for submitting!

bottom of page